Hindi inirerekomenda ng Department of Health ang pagdaraos ng videoke sessions ngayong holiday season.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas kasi sa pag-aaral na kapag ang isang tao ay kumakanta, mas mataas ang posibilidad na lalo pang kumalat ang virus.
Nilinaw naman ni Vergeire na pinapayagan nila ang karaoke sessions sa mga pami-pamilyang hindi lumalabas ng bahay o hindi exposed sa labas.
Gayunman, hindi aniya nila inirerekomenda ang malawakang party ng magkakaibigan.
Facebook Comments