Publiko pinakalma ni Pangulong Bongbong Marcos, kasunod ng unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mahigpit na nakabantay ang pamahalaan sa banta ng monkeypox sa Pilipinas.

Ito ay matapos na i-anunsiyo ng Department of Health (DOH) na naitala ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa matapos magpositibo dito ang 31-year-old na Pilipino na may travel record sa mga bansang mayroong monkeypox cases.

Ayon sa pangulo, sa ngayon masasabing wala nang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas dahil batay aniya sa report ng DOH ay pagaling na at naka-isolate na sa bahay ang unang kasong naitala sa bansa nitong July 28.


Gayunman hindi aniya maganda na nakapagtala ng isang monkeypox case ang bansa pero naniniwala naman ang pangulo na malaki ang pagkakaiba nito sa COVID-19.

Aniya hindi kasing bagsik at hindi gaanong nakakatakot ang monkeypox, may mga gamot na rin aniya para sa sakit na ito.

Sa kabila nito, tiniyak nito na masusi pa rin ang pagmo-monitor na ginagawa ng gobyerno laban sa monkeypox.

Facebook Comments