13th death anniversary ni dating Pangulong Corazon Aquino, inalala ng ilang mga senador

157

Inalala ni Senadora Risa Hontiveros ang ’13th death anniversary’ ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa Twitter post ng senadora, pinuri niya ang mga naiwang pamana ng dating pangulo.

Photo Courtesy: @risahontiveros Twitter

Hinikaya’t din ni Hontiveros ang mga Pilipino na patuloy na i-exercise ang people power at ang demokrasya para maging makabuluhan ang araw-araw na buhay ng mayorya ng mga Pilipino.

August 1, 2009 nang pumanaw si dating Pangulong Cory Aquino matapos ang pakikipaglaban nito sa sakit na ‘colon cancer’.

Facebook Comments