Pinapayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko na iwasan ang magsundo ng kanilang dumarating na kamag-anak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay kasunod ng muling pagbubukas ng operasyon ng NAIA para sa international flights.
Ayon kay Office for Transportation Security Administrator Raul Del Rosario, mas maiging kunin na lamang ang pasalubong at hayaan muna ang kanilang kaanak na dumiretso sa quarantine facilities.
Sa muling pagbubukas ng operasyon ng NAIA, 300 Filipino seafarers mula United Kingdom ang dumating.
Sila ay awtomatikong isinailalim sa mandatory swab test bago inihinatid sa quarantine facilities ng gobyerno.
Facebook Comments