Publiko, pinayuhan na planuhin ang holiday shopping

72

Pinaalalahanan ng isang eksperto ang publiko na dapat planuhin ang holiday shopping para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Payo ni Dr. Aileen Espina sa mga pupunta ng Divisoria o sa mga mall, dapat planuhin ang pagpunta at ihanda ang listahan ng mga bibilhin.

Dapat din aniyang tiyaking nakakasunod sa mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing.


Maliban dito, tiyakin din dapat na mayroong maayos na bentilasyon sa lugar at iwasan ang pakikipag-usap sa iba sa loob lamang ng 30 minuto.

Ugaliin din dapat ang pagdadala at paggamit ng alcohol o sanitizer pagkatapos magbayad.

Facebook Comments