Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Koko Pimentel na hindi exempted ang Pilipinas sa terorismo na nangyayari sa ibat ibang panig ng mundo.
Reaksyon ito ni Senator Pimentel sa lumabas ng memo mula sa Philippine National Police hinggil sa plano umanong pambobomba ng Maute Terror Group sa ilang malls at lugar sa Metro Manila.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Pimentel ang publiko na maging alerto, mapagmatyag at agad ireport sa mga otoridad ang mapupunang hindi normal o kahina hinala sa paligid.
“Terrorism is happening all over the world. Wag natin isipin na exempted tayo sa Pilipinas so ang panawagan lang dyan vigilance. And then matuto tayo sa experience sa ibang bansa. Ang kanilang panawagan, slogan nila, if you see something report it. So ganun din po tayo. Sana ganun na yung attitude natin kung may nakikita tayo na hindi normal, or mga kilos na hindi naman natin dati nakikita magsalita tayo. Salita lang naman, hindi naman kailangang mag accuse or magsumbong basta call the attention of the authorities.