Publiko, pinayuhang huwag isantabi ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na tapusin ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Paliwanag ni Go, ito ay para matiyak ang proteksyon laban sa severe o malubhang kaso ng COVID-19 case.

Kaugnay nito ay iginiit ni Go na paigitingin ang information campaign para mapataas ang tiwala ng mamamayan sa COVID-19 vaccine at kanilang maunawaan ang kahalagahan na tapusin ang dalawang turok ng bakuna.


Masaya ring ibinalita ni Go na marami ang paparating na COVID-19 vaccine sa bansa kaya pinapatiyak nya sa mga Local Government Unit (LGU) na huwag itong iimbak at sa halip ay bilisan ang sistema sa pagbabakuna upang makamit natin sa lalong madaling panahon ang herd immunity laban sa virus.

Facebook Comments