Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pwedeng maging “choosy” ang mga Pilipino sa COVID-19 vaccine brand na maaari nilang makuna mula sa gobyerno.
Sa Talk to the Nation, tiniyak ng Pangulo na epektibo ang lahat ng mga bakunang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
Aniya, hindi niya hahayaan na magkaroon ng diskriminasyon pagdating sa brand ng bakuna.
“There will be no discrimination at saka di kayo makapili kung ano ang bakuna, pareho lahat yan,” ani Duterte.
“Kung ano ang nasa harap ninyo, ke milyonaryo ka o mahirap ka, yun na yung iyo. Hindi ka mamili. And Secretary Galvez will make the distribution with a blind eye sa brand.”
Hiniling naman ni Pangulong Duterte na iprayoridad ang mahihirap sa COVID-19 vaccination program na aniya’y sagradong tungkulin ng pamahalaan.
Nabatid kasi na ika-lima sa listahan ng pagbabakuna ang mahihirap at low income families kasunod ng mga healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities at economic frontliners.