Publiko walang dahilan para mag-panic buying ilang araw bago ipatupad ang ECQ sa Metro Manila

Walang dahilan para mag-panic buying ang publiko ilang araw bago ipatupad ang Enhanced Community Quarantine dito sa Metro Manila.

Ito ang iginiit ng Department of Trade and Industry dahil sapat naman daw ang supply ng mga pagkain sa mga pamilihan.

Pero sa interview ng RMN Manila, nanawagan si Trade Undersecretary Ruth Castelo na bumili lamang dapat ng kinakailangan dahil kahit sapat ang supply natin ay posibleng matagalan pa ang pag-replenish sa mga stock ng groceries.


Ayon pa kay Castelo, kahit pang 7 araw lamang muna ang bilhin ng publiko dahil papayagan namang lumabas ang isang tao kada pamilya upang mamili ng kanilang mga kinakailangan.

Facebook Comments