Publiko, walang dapat ikabahala sa re-enacted budget

Para kay Senate President Tito Sotto III walang dapat ikabahala ang publiko sakaling magpatuloy ang paggamit ng reenacted budget dahil sa problema ngayon sa 2019 budget.

 

Ayon kay Sotto, kapag nagmatigas ang kamara na huwag alisin ang kanilang ginawang pagbabago sa niratipikahang 2019 budget ay posibleng manatili ang reenacted budget hanggang Agosto.

 

Mas malaki pa nga aniya ang 2018 budget kumpara sa 2019 budget.


 

Paliwanag ni Sotto, magpapatuloy ang serbisyo at mga programa ng gobyerno sa paggamit ng 2018 budget kasama ang mga proyektong nasa ilalim ng build build build program.

 

Diin pa ni Sotto, maibibigay din ang dagdag na sweldo ng mga empleyado ng pamahalaan at uniformed personnel lalo pa at naglabas na ng executive order para dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Iginiit din ni Sotto na bahagya lang ang magiging epekto sa Gross Domestic Product o GDP ng reenacted budget at ito ay siguradong kayang gawan ng remedyo ng executive department.

Facebook Comments