Publiko, walang dapat ipag-alala sa supply ng tubig ngayong tag-init –Malacañang

Walang dapat ipag-alala ang publiko sa posibleng maging epekto ng mataas na heat index o damang init sa supply ng tubig sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bagama’t hindi pa idinideklara ang pagsisimula ng El Niño, nakahanda naman ang pamahalaan na tumugon sakaling magkaroon ng problema sa supply ng tubig.

Alam aniya nila na sanay ang mga Plipino na pumila sa mga rasyon ng tubig pero hindi nila hahayaang mangyari ito.

Giit ni Castro, hindi tutulugan ni Pangulong Marcos ang mga ganitong usapin, lalo na ang posibleng pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Facebook Comments