Secretary Ivan John Uy, nananatili pa ring kalihim ng DICT

Hindi pa umano maituturing na opisyal ang resignation ni Department of Information and Communications Technology (DICT) si Secretary Ivan John Uy.

Sa isang mensahe sa media, nilinaw ni DICT Asec. Renato “Aboy” Paraiso, na nananatili pa ring kalihim ng DICT si Uy.

Ito ay matapos kumalat ang ulat na naghain umano ng resignation letter si Uy.

Aniya, patuloy pa rin ang paggampan nito ng kaniyang mga opisyal na tungkulin at responsibilidad.

Nauna naman sinabi ng Malacañang na wala pa silang impormasyon kung nagbitiw nga sa puwesto si Uy at wala pa rin natatanggap na resignation letter si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kalihim.

Facebook Comments