Puerto Galera LGU, may pa-libreng antigen test sa mga bibisita sa lalawigan

Hindi na kailangang magprisinta ng negative RT-PCR test result sa mga bibisita sa Puerto Galera kasunod ng muling pagbubukas ng turismo sa lalawigan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Puerto Galera Municipal Administrator Carmela Datinguinoo na kapag fully vaccinated na ang mga turista ay hindi na kailangan ng RT-PCR bagkus yun na lamang mga nakatanggap pa lamang ng first dose o iyong mga wala pang bakuna.

Ito ay para makahiyat ang mga turista ay mag-aalok sila ng free antigen test na ibinibigay pa lamang sa Batangas Grand Terminal.


Tiniyak naman nito na may sapat na pondo ang Puerto Galera Local Government Unit (LGU) upang ma-sustain ang nasabing proyekto.

Maliban sa mga turista, maaari ring makapag-avail ng libreng antigen test ang mga residente o yung mga nagbalik probinsya.

Kilala ang Puerto Galera sa kanilang mga white beach.

Facebook Comments