Puerto Princesa City, muling bubuksan sa turismo

Kasunod nang pagbubukas ng ekonomiya, unti-unti ng dumarami ang mga tourist destinations na bukas na para sa mga turista.

Maliban sa Baguio City, Boracay Island at Cebu City ay bukas na rin sa turismo sa Palawan.

Sa pagbisita ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa Puerto Princesa City, Palawan, hinikayat nito lalo na ang local tourists na bisitahin ang magagandang lugar sa lungsod tulad ng Underground River at mga sikat na beaches.


Nabatid na noong December 1 ay binuksan na sa turismo ang Coron, El Nido at San Vicente sa Palawan.

Ayon kay Roque, pare-pareho ang mga requirements kapag pupunta sa alinmang tourist destinations.

Kinakailangang may negatibong resulta ng RT-PCR test, naka-book na rin sa accredited Department of Tourism (DOT) hotels at may health declaration form.

Payo nito sa mga sabik ng turista na gumala na sumunod sa health and safety protocols upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments