Puerto Princesa Subterranean River, itinampok ng Google

Itinampok ng Google sa kanilang search engine ang doodle ng Puerto Princesa Subterranean River National Park.

Ito ay kasabay ng ikapitong anibersaryo ng subterranean river bilang Ramsar Wetlad of International Importance.

Makikita sa doodle ang entrance ng subterranean river na may mga bangka na pumapasok sa pinakamahabang underground waterways na nasa 8.2 kilometers.


Nakilala ang underground river dahil sa stalactite at stalagmite formation nito.

Noong 2012, ang Ramsar Convention, isang international body na binuo para sa conservation ng mga mahahalagang wetlands, ay idineklara ang Puerto Princesa Underground River bilang isang “unique” sa biogeographic region.

Kasama rin ang subterranean river sa New 7 Wonders of Nature at isang Unesco World Heritage Site.

Facebook Comments