Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez, i-aapela ang resulta ng laban sa pagitan nila ng Filipino boxer na si Reymart Gaballo

Kinumpirma ni Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez na i-aapela niya ang resulta ang laban sa pagitan nila ng Filipino boxer na si Reymart Gaballo.

Giit ng Puerto Rican boxer, mas maraming suntok ang kanyang naipasok kumpara kay Gaballo.

Pinasinungalingan naman ito ng Filipino boxer at sinabing kontralado niya ang laro bagay na sinuportahan ng mga hurado.


Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Rodriguez matapos itong talunin ni Japanese Superstar Noava Inoue noong may 2019 habang nadagdagan naman ang panalo ni Gaballo kaya’t pumalo na sa 24-0 ang kanyang boxing record.

Facebook Comments