Singer na si Morissette Amon, engaged na!

Officially engaged na ang singer na si Morissette Amon sa kanyang boyfriend at dating katunggali sa isang singing competition na si Dave Lamar.

Kwento ng singer, lagpas dalawang buwan na silang engaged ng kanyang fiancé pero ngayon lamang nila ipinaalam sa kaniyang fans dahil ipinaalam muna nila ito sa mga magulang, kamag-anak at malapit na kaibigan.

Masayang ibinahagi ni Morissette ang kaniyang engagement ring sa kanyang Instagram kung saan pinaulanan ito ng pagbati mula sa mga kanilang mga kaibigan sa showbiz.


Sa ngayon, looking forward ang singer sa matutunan at ma-a-accomplish pa nilang dalawa ni Dave ng magkasama.

Facebook Comments