Pugante balik kulungan ng madakip sa bayan ng Carmen North Cotsbato

Balik kulungan ang isang puganteng pumuga sa Amas Provincial Jail matapos muling maaresto ng puwersa ng Carmen Municipal Police Station katuwang ang 46MICO, 6MIB, 6ID, Philippine Army dakong alas 9:15 kagabi sa Avocado Street Purok 2, barangay Poblacion sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ang naarestong pugante na si Jimboy Igbuhay Bermejo, 23 anyos, binata, na may kasong carnapping.
Nasa kanilang bahay ang suspect ng isagawa ang operasyon sa kanya. Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit mabilis na dumating ang arresting team hanggang sa siya ay mahuli. Kabilang si Bermejo sa mahigit isang daang preso na tumakas sa North Cotabato District Jail (NCDJ) noong Enero 4, 2017.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments