Puganteng Korean national – arestado sa Quezon Cit y

Manila, Philippines – Arestado ang isang Korean national na wanted sa Korea dahil sa patung-patong na kasong pang-aabusong sexual at maltreatment.

Katuwang ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit, Bureau of Immigration at QCPD – nahuli ang puganteng koreano nakilalang si Seo Inho sa New Capitol Estate 1 sa QC.

Isinagawa ng CIDG ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong mula sa korean police desk sa pinagtataguan ni seo inho.


Agad na nakipag-ugnayan ang cidg sa Philippine Center on Transnational Crime kung saan napag-alaman na mayroon pala itong Interpol red notice.

Sa nabanggit na red notice, lumalabas na si Inho ay napatunayan ng hukuman sa Korea na nagkasala sa pang-aabusong sexual at maltreatment na nahatulang mabilanggo ng 2 taon at 6 na buwan.
Nation

Facebook Comments