PUJ, dapat gamitin ng gobyerno para sa libreng sakay – Lacson

“Gamitin ang mga pampasaherong jeep sa programang libreng sakay ng gobyerno para matugunan ang kawalan ng kita ng mga tsuper.”

Ito ang nakikitang solusyon ni Partido Reporma Chairman at 2022 Presidential candidate Panfilo Lacson sa epekto ng pandemya sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Lacson, malalaking kompanya ng bus at asosasyon ng modern jeepneys lamang ang kinontrata ng Department of Transportation (DOTr) para sa Libreng Sakay Program.


Aniya, kahit na pinapayagan na ring bumiyahe ang mga tradisyunal na jeeney sa ilang lugar, wala rin halos sumasakay dahil mas pinipili ng mga pasahero ang libreng sakay na sinusubsidiya ng pamahalaan.

Giit pa ni Lacson, nakakabahala rin ang plano ng pamahalaan na alisin sa mga kalsada ang mga tradisyunal na dyip.

Hanggang sa ngayon aniya ay nanatiling nakabinbin ang nabanggit na usapin sa Senado dahil bigo ang DOTr na mabigyan ng solusyon ang mga maapektuhan na mga operators at driver.

Facebook Comments