PUJ Modernization, Pang-Tapat sa mga Sasakyan ng Dayuhan!

Cauayan City, Isabela- Napilitan umanong gumawa ng bagong disenyo ng dyip ang pinuno ng *Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas* o LTOP dahil sa nahirapan umano ang mga Pilipino sa pamamasada.

Ito ang inihayag ni ginoong Orlando Marquez, ang pinuno * ng * LTOP sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Aniya, ang bagong disenyo ng bagong Aircon jeep na inaprubahan ng Engineering Safety Standard noong 2015 ay pwede na umanong maglakad ang tao rito at nasa side na nito ang pintuan kumpara umano sa dating “Suicide Door” na meron sa disenyo ng dating jeep.


Ito umano ang gustong disenyo ng gobyerno na maging disenyo ng ating jeep dito sa bansa na akma sa disenyo ng Pang-International Engineering dahil pwede umano itong maitapat sa mga modernong sasakyan ng mga dayuhan.

Inihayag pa ni ginoong Marquez na kung tinangkilik at tinulungan lang umano ng gobyerno ang lahat ng mga imbentyon ng mga Pilipino ay mayroon na sanang sobra-sobrang bilyon ang ating bansa.

Ayon pa kay ginoong Marquez, iniimplimenta na ngayon ng ating gobyerno ang bagong disenyo ng pampasaherong jeep o ang PUJ Modernization.

Facebook Comments