Pulis arestado dahil sa iligal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Huli sa kinasang buy-bust operation ang isang  pulis sa  Sampaloc lungsod ng Maynila.

 

Ganap na nakabili ng 1,000 pesos na halaga ng shabu ang poseur buyer sa suspek na si PO1 Ferdinand Rafael  na naka-assigned sa District Admin Holding Unit ng Manila Police District (MPD).

 

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, nakatanggap sila ng impormasyon sa pagkakasangkot ng pulis sa iligal na droga.


 

Sa surveillance video ng RDEU at RSOU, makikita si PO1 Ferdinand Rafael na sumisinghot ng shabu.

 

Matapos maaresto nakuha pa sa suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu, timbangan at drug paraphernalia.

 

Dinala na sa tanggapan ng RSOU sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang adik at tulak na pulis.

Facebook Comments