Pulis at 2 iba pa, Sugatan sa Banggaan ng Dalawang Motorsiklo!

202

*Tumauini, Isabela- *Sugatan ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo bandang alas otso kaninang umaga sa pambansang lansangan ng Brgy. Balug, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina PSSg Genalyn Cabauatan, 34 anyos, may asawa, nakatalaga sa Tumauini Police Station, Maria Conception Simon, 36 anyos, back rider ni PSSG Cabauatan na kapwa residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini.


Sugatan rin sa banggaan ang driver ng Honda TMX 125 na kinilalang si Ruel Forto, 29 anyos, may-asawa, helper at residente ng Brgy. Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Batay sa lumabas na imbestigasyon ng PNP Tumauini, binabaybay ng pulis ang naturang lansangan lulan ang minamanehong Suzuki Skydrive MV patungong South direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang pumasok sa linya ng pulis ang motorsiklo ni Forto mula sa shoulder lane na dahilan ng kanilang banggaan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari habang inaalam pa ang kabuuang halaga na pinsala ng dalawang behikulo.

Facebook Comments