Pulis at 8 iba pang suspek sa pagpatay sa isang abogado sa Narra, Palawan, sinampahan na ng kaso

487

Naisampa na ng Philippine National Police (PNP) ang kasong murder laban sa siyam na suspek sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit sa Narra, Palawan.

Sa report na ipinarating ni MIMAROPA PNP Regional Director, Police Brigadier General Pascual Muñoz kay PNP Chief Debold Sinas, isa sa siyam na suspek ay pulis.


Kinilala itong si Police Senior Master Sergeant Ariel Pareja na ngayon ay nasa restrictive custody sa Palawan Police Provincial Office.

Bukod kay Pareja, sinampahan rin ng kasong pagpatay sa Palawan Provincial Prosecutor’s Office ang mga indibidwal na sina Jazer del Rosario, Marcelino Quioyo, at anim pang John Does.

Sa report pa ni Munoz na ang suspek na pulis ay nagta-trabaho bilang bodyguard ni Quioyo na sangkot sa kasong land dispute kung saan ang kalaban nito sa kaso ay kliyente ni Atty Magcamit.

Bukod naman sa kasong murder, mahaharap rin ang suspek na pulis sa kasong administratibo.




Si Atty. Magcamit ay pinagbabaril noong November 17 matapos na harangin ng mga suspek ang kanyang sasakyan sa Narra, Palawan.

Facebook Comments