Hudikatura, magpapatupad na rin ng 4-day work week

40

Magpapatupad na ang Hudikatura ng 4-day work week sa harap pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Sa tatlo pahinang administrative order na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, inatasan nito ang mga Presiding Justices ng Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at ang mga executive Judges na ihanda ang kanilang mga guidelines para sa workweek schedule.


Binigyan ni Chief Justice Peralta ang mga nabanggit mga na opisyal ng 10-araw para magsumite sa tanggapan ng punong mahistrado ng kanilang ihinadang mga panuntunan para sa 4-day work week.

Ang naturang kautusan ng punong mahistrado ay epektibo sa Dec. 1,2020.

Facebook Comments