Nasa maayos na kalagayan ang patrolwoman at ang baby boy nito matapos na magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, nanganak sa loob mismo ng Kiangan Emergency Treatment Facility (KETF) sa Camp Crame nitong September 16, 2021 ang patrolwoman.
Ayon pa sa opisyal parehong asymptomatic ang mag-ina na ngayon ay nanatili sa pasilidad.
Ang policewoman ay naka-assign sa Manila Police District Station 9 (MPD-9), na sumailalim sa quarantine dahil nagpositibo sa virus pero nitong September 16 ay nanganak ito.
Tiniyak naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na makakatanggap ng tulong ang mag-ina mula sa PNP.
Facebook Comments