Pulis at barangay, nagsagawa ng operasyon kontra sa mga nagsosolvent sa Quezon City

7 ang naaresto ng mga otoridad na gumagamit ng solvent sa kalsada ng North Edsa, Barangay Bagong Pag-asa, Veterans Village, Quezon City.

Sa ‘Oplan Sagip Anghel’ ng QCPD Station 2 at Social Welfare Department, 5 sa mga narescue ay menor de edad.

Ayon sa QCPD station 2, nakatanggap muna sila ng sumbong na may mga kabataan na nanggugulo sa lugar.


Nabanggit din sa sumbong na mga solvent boy ang sangkot sa insidente.

Para sa mga nasagip, dadalhin mula sila sa presinto bago dalhin sa PDEA habang inaayos ang proseso kung saan sila isasailim sa rehabilistasyon.

Facebook Comments