Pulis at dalawang katao, arestado matapos mahulihan ng droga sa inilatag ng checkpoint sa Taguig

Manila, Philippines – Bagsak sa kulungan ang dalawa katao, kabilang ang isang pulis, matapos mahulihan ng droga sa inilatag na checkpoint sa Taguig City.

Nakilala ang arestadong pulis na si PO1 Dandy Dee, nakatalaga sa Police Regional Office sa CALABARZON at isang Rudy Matangihan.

Sinita ng mga kagawad ng PCP 2 sina Dee at Matangihan sa Tawi-Tawi St., Maharlika Village dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang magkaangkas sa motorsiklo bukod pa sa walang lisensya at walang rehistro ang kanilang sasakyan.


Nakuhanan ang mga suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu kaya’t nahaharap din ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments