Pinaghihinalaang notoryos na magnanakaw, patay matapos pagbabarilin sa QC

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang notoryos umano na magnanakaw matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si John Rey Valera, 17 anyos na sinasabing kilabot na magnanakaw sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng ilang residente roon na naglalakad ang biktima sa Mc Arthur Road, Brgy. Pasong Tamo nang biglang sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo at walang kabog-abog na pinagbabaril ang biktima bago tumakas ng hindi pa malamang direksyon.


Aminado si aling Lourda Valera, ina ng nasawi, na talagang pasaway ang kanyang anak at labas pasok na rin sa kulungan dahil sa paulit-ulit nitong pagnanakaw.

Inaalam na ng mga awtoridad kung mayroong CCTV sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments