Pulis at pinsan nito, huli sa drug operation sa Koronadal City

Koronadal City – Arestado ang isang bagitong pulis at pinsan nito sa isinagawang drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, CITF12 atRegional Public Safety Battallion sa isang hotel sa OsmeƱa Street, Barangay Zone 1, Koronadal City, pasado alas 2:30 kaninang umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Romar Magalino Piolo, active member ng RPSB12, 28-anyos, may asawa; at ang pinsan nito na si Jherson David Piolo, 27-anyos, binata, kapwa residente ng Gomez St, Barangay Zone 1, Surallah, South Cotabato.

Narekober sa mga suspek ang isang sachet ng shabu at P300.00na buy-bust money.
Paglabag naman sa R.A. 9165 ang isasampang kaso laban sa mga suspek.


Facebook Comments