Pulis at sundalo naka-alerto kasabay ng anibersaryo ng NPA

*General Santos City—- Naka-alerto na ang Gensan City Police Office sa pagbabantay ng siguridad kasabay ng selebrasyon ang anibersaryo ng rebeldeng New People’s Army o NPA.*

*Ayon kay Police Senior Superintendent Raul Supiter, City Director ng GSCPO na kahit malabong magkaroon ng anumang panghaharass o mga pagpangatake sa lungsod ay inabisuhan na nito ang kanyang mga tauhan na huwag magpapabaya anumang oras at iwasan ang mag-relax.*

*Dagdag pa nito na kumpyansa siyang hindi magsasagawa ng anumang karahasan ang nasabig rebeldeng grupo sa lungsod ng Gensan dahil karamihan sa kanilang mga leagl front ay dito nakatira o namamalagi.*


*Wala rin umano silang inaasahang kilos-protesta na mangyayari sa lungod ngayong araw kasabay ng ika- limampung taong anibersaryo ng mga rebeldeng kumunista.*

*Samantalang naka-hightened alert naman ang 1002nd Brigade Phil. Army dahil na rin sa anibersaryo ng NPA.*

*A**yon kay Lt. Col. Jones Otida, commanding officer ng 27th Infantry Battalion na nagpalabas ng directiba si Brig. General Roberto Ancan, Commading Officer ng 1002nd brigade na iwasan ang magpabaya sa siguridad lalo pa at may kakayahan pang magsagawa ng karahasan ang rebeldeng grupo.*

*Tinututukan din nila sa ngayon ang mga probinsya sa rehiyon na may mataas na presensya ng NPA tulad nalang sa Sarangani Province, Sultan Kudarat at South Cotabato kung saan may mga insidente ng panununog ng mga heavy equipment nakarang mga buwan.*

Facebook Comments