Pulis Cauayan na may COVID-19, Patay sa Heart Attact; 16 Iba pa, Nagpositibo

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Dr. Bernadyn Reyes, City Health Officer ng Cauayan City na isang pulis ang pinaka bagong naidagdag sa mga namatay na positibo sa COVID 19.

Kasabay sa pagkumpirma ay ang pagpapaliwanag na heart attack ang pangunahing ikinamatay ng pasyenteng may COVID-19 na nasa quarantine facility.

Samantala, labing-anim (16) na iba pa ang nagpositibo at kasalukuyan nang nasa ilalim ng strick quarantine.


Sa kasalukuyan, nasa proseso na ang Cauayan City COVID 19 Council sa pagsasagawa ng contact tracing para sa mga direktang nakasalamuha ng mga nagpositibo.

Nakatakdang kunan ng swab testing bukas ang mga kapamilyang direktang nakasalamuha ng mga ito.

Dagdag pa ni Dr. Reyes, maliban sa mga ito ay dalawa pang empleyado ng pamahalaan ang naidagdag sa listahan ng mga nagpositibo.

Isinailalim na sa calibrated lock down ang Purok 6 ng brgy. District 3 sa lungsod ng Cauayan.

Una rito, isinailalim sa swab testing ang 31 na katao noong December 30, 2020 at sila ay nagpositibo samantalang lima (5) ang nagpositibo sa labing-isa (11) na isinailalim sa swab test noong unang araw ng 2021.

Ayon naman sa COVID-19 Council, ang Christmas at New year gathering ang nakikitang dahilan ng biglang paglobo ng kaso ng virus sa lungsod.

Facebook Comments