Pulis, Empleyado ng DepED Isabela at 1 Iba pa, Positibo sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela- *Nakapagtala muli ng tatlong (3) panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng pulis at isang empleyado ng DepED Isabela.

Ang mga nagpositibo ay sina CV2628, CV2629, at CV2610.

Si CV2628 ay isang 31 taong gulang na lalaki, may-asawa at residente ng Barangay Tagaran.


Siya ay namamasukan bilang tank driver ng isang kilalang Gas station kung saan siya ay nagkaroon ng travel history sa Limay, Bataan noong October 10, 2020 at Tuguegarao City, Cagayan noong October 15, 2020.

Nagsimulang magkaroon ng ubo noong October 17, 2020 at nakipag-ugnayan sa City Health Office kaya’t nakuhanan ng sample noong October 23, 2020 hanggang sa lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19.

si CV2629, isang 57 taong gulang na lalaki, may-asawa, residente ng Barangay District 3 na nagtatrabaho bilang Dental Aide sa DepEd Isabela Division.

Siya ay nagkaroon ng lagnat noong October 20, 2020 at nagreport sa City Health Office kaya’t idinaan sa triage at kinuhanan ng sample noong October 23, 2020.

Inaalam pa sa kasalukuyan kung saan niya maaaring nakuha ang sakit dahil wala naman itong naitalang history of travel at history of exposure.

Ang pangatlo ay si CV2610, lalaki, 34 taong gulang, may-asawa, residente ng Barangay Minante Uno at isang police officer na nakatalaga sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Siya ay nagkaron ng exposure sa nagpositibong si CV2533 na kasamahan rin nito sa IPPO.

Asymptomatic o hindi nagpakita ng anumang sintomas ng Covid-19 ang nasabing positibong pulis.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, tumaas sa bilang na 52 ang naitalang aktibong kaso Ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments