Pulis, Inambus sa National Hiway

131

Naguillan, Isabela –Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Tomas, Isabela PNP station nang pagbabarilin ito ng mga suspek na nakasakay sa isang itim na Innova.

Ayon sa impormasyon na nakuha ng RMN News Team kay PCI Francisco Dayag, hepe ng PNP Naguillan, Isabela, nangyari ang insidente kaninang 9:40 ng umaga Setyembre 30, 2017.


Ang biktima ay si PO3 Cristopher John Duarte y Arcano na kasalukuyang nakatira sa Purok 1, San Felipe, Ilagan City.

Si PO3 Duarte ay kasalukuyang nagsasanay sa Regional Training School na nakabase sa Minante Uno, Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Naguillan, nakamotor ang biktima sa direksiyong papuntang Ilagan City, Isabela nang siya ay ambusin ng mga kalalakihang nag aantay sa kanya sa national highway na sakop ng Barangay Pallattao, Naguillan, Isabela.

Ang naturan ding itim na Innova ang ginamit ng mga suspek na kalalakihan upang tumakas sa naturang pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments

From Advertisers