Pangulong Duterte, binanatan ng Integrated Bar of the Philippines sa planong pagbuo ng kumite na mag-iimbestiga sa umano’y katiwalian sa Ombudsman

Manila, Philippines – Hindi raw dapat balat sibuyas ang mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Integrated Bar of the Philippines National President Abdiel Dan Elijah Fajardo, kapag isa kang opisyal ng gobyerno bukas ang iyong buhay sa masusing pagsisiyasat ng publiko.

Reaksyon ito ng IBP sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo ito ng kumisyon na mag-iimbestiga sa korupsyon o katiwalian sa Office of the Ombudsman.


Ang Ombudsman ay kasalukuyang nagsisiyasat sa umano’y yaman ng pamilya Duterte.

Sinabi ni Fajardo, ang hakbang na ito ng pangulo ay maaaring maituring na pakiki alam sa kalayaan ng Ombudsman na gawin ang kanilang trabaho na magsiyasat sa mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments