Ang pagkakasangkot nito sa mining business sa Agusan Del Sur ang isa sa tinitingnang anggulo ng ng Midsayap Police Station kaugnay ng pamamaril-patay sa isang pulis sa Pob. 8, Midsayap, North Cotabato.
Sa panayam ng DXMY, inihayag ni Midsayap PNP Chief Police Col. Benito Rotia na ang posibilidad na nagka-onsehan ang biktima at mga kasosyo nito sa minahan sa Agusan ang tinitingnan nilang anggulo ng mga imbestigador sa pamamaril kay Police Staff Sargeant Edward Dimpaso.
Palabas mula sa pag-aari nitong bakery ang biktima nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals.
Napag-alaman pa na nakadestino sa Maguindanao Police Provincial Office ang biktima .
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na magpapatuloy pa ang kanilang pag-iimbestiga sa insidente.
Sa ngayon ay hinahayaan muna nila na magluksa ang pamilya ni Dimpaso at kukunan din nila ng salaysay kaugnay ng krimen.(Daisy Mangod)