Pulis Maguindanao patay sa Road Accident sa Pigcawayan

Patay ang isang elemento ng Maguindanao PNP matapos mabundol ng Isuzu Elf Truck sa bahagi ng South Manuangan Pigcawayan North Cotabato pasado alas 4 kahapon.

Ayon sa report ng PNP na ipinarating sa DXMY , kinilala ang nasawing pulis na si SPO3 Wilfredo Quitor na nakadestino sa Shariff Aguak Maguindanao PPO.

Sakay ng kanyang motor si Spo2 Quitor papauwi ng Pigcawayan mula sa kanyang trabaho ng aksidenteng mabundol ng truck na minamaneho ni Yaya Guiabar 25 anyos residente ng brgy Macabiso Sultan Mastura.


Nagawang pang maisugod sa ospital ang pulis ngunit sa tindi ng injuries na natamo ay binawian ito ng buhay. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring vehicular accident

Facebook Comments