Pulis Maynila na aksidenteng nakabaril ng delivery rider, sumuko na

308

Sumuko na at dinisarmahan ang isang aktibong miyembro ng Manila Police District (MPD) matapos aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm at mapatay ang isang delivery rider sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang pulis na si Pol. Cpl. Oliver Ferrer, 31 anyos at miyembro ng MPD-Station 1.


Habang kinilala ang biktima na si Jayson Capistrano, 31 anyos.

Nangyari ang insidente matapos na bumisita ang suspek kasama ang isang pulis na si Pol. Cpl. Jerome Mingote na pinsan ng biktima sa tanggapan ni Barangay 183 Zone 16 Chairman Josep Lipasana sa Gagalangin, Tondo.

Habang naghihintay sa labas ng barangay hall ang pulis at ilang mga kaibigan sa lugar, biglang nagbiro si Ferrer sa pag-draw o pagbunot ng kanyang baril sa harap ng biktima at bigla na lang pumutok ang armas nito.

Isinugod pa sa Chinese General Hospital ang biktima pero ito ay dineklarang dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa katawan.



Facebook Comments