Repatriation sa 29 Pinoy seafarers na stranded sa 3 barko sa China, pinoproseso na

66

Minamadali na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uwi sa Pilipinas ng 29 Filipino seafarers na ilang buwan nang stranded sa Fujian, China.

Sila ay sakay ng 3 Chinese-flagged fishing vessels na Han Rong 362, 366, at 369.


Ang naturang seafarers ay noon pang Mayo stranded sa naturang karagatan.

Sa ngayon, sila ay dinadalhan muna ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ng Philippine Consulate sa Xiamen, Guangzhou, at Shanghai, gayundin ng Office of Migrant Workers Affairs’ (DFA-OUMWA) China Desk.

Facebook Comments