Pulis Maynila na ililipat ng destino dahil sa BSKE, posibleng madagdagan pa

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga pulis Maynila na maililipat ng assignment o destino dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Manila Police District PBGen. Andrei Dizon, sakaling isagawa ang consolidation ng mga affidavit of understanding ng Manila Police District (MPD) sa mga pulis na may mga malapit na kaanak na tatakbo sa BSKE ay madagdagan pa ito.

Kahapon, nasa 200 pulis na ang boluntaryong nagpalipat ng assignment sa MPD.


Ginawa aniya ito para maprotektahan ang integridad ng MPD para sa nalalapit na halalan.

Samantala, wala namang napasama sa 14 na station commanders ang inilipat dahil wala itong kaanak na tatakbo sa BSKE.

Facebook Comments