Pulis Mlang patay sa pamamaril ng riding in tandem

32

Pulis patay sa pamamaril sa M’lang North Cotabato

Pinagbabaril muna hanggang sa mapatay bago inagawan ng kanyang motorsiklo ang isang pulis na nanakabase sa Malang North Cotabato.
Sinasabing patungo ng Mlang Municipal Police Station ang biktima na nakilalang si SPO1 Jovit Galan ng sundan ng riding in tandem at walang awang pinagbabaril gamit ang caliber 45 pistol. mag aalas syete kagabi.
Matapos na maisigurong wala ng buhay ang pulis ay kinuha pa ng mga suspek ang RS 125 motorcycle ng biktima.
Nagtamo ng multiple gunshot wound sa kanyang katawan si SPO1 Galan resulta ng kanyang kamatayan. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Facebook Comments