Pulis na dinukot ng NPA pinalaya na

Pinalaya kaninang tanghali ang pulis na dinukot ng mga rebeldeng NPA noong buwan ng Agosto. Kinilala ang nasabing pulis na si PO1 Bristol Catalan, ang pulis na sinasabing prisoner’s of war ng New People’s Army o NPA sa loob ng halos 4 na buwan.
Si Catalan ay dinukot ng NPA sa Purok 4, Brgy. Katipunan, sa lungsod ng Kidapawan noong August 16.
Pinalaya si Catalan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Bagumbayan sa bayan ng Magpet, sa North Cotabato.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments