Pulis na infected ng COVID-19, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga pulis na naging infected ng COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, 31 pulis lamang ang nadagdag sa mga naging infected ng COVID-19 kahapon.

Kaya naman umaabot na sa kabuuang 4,868 ang bilang ng mga pulis na naging positibo sa virus.


Sa mga bagong nagpositibo, 20 ay sa National Capital Region Police Office (NCRPO), apat sa National Administrative Support Unit, tatlo sa PRO 6 habang tig-iisa sa NHQ, PRO 1, PRO 2, at PRO 13.

Good news naman dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 3,396 ang gumaling na, 735 na pulis ay probable case at 3,146 na pulis ay suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 ang namamatay na pulis matapos tamaan ng COVID-19.

Facebook Comments