Pulis na inireklamong nanakit sa 3 tauhan ng NCRPO, Sinibak ni Eleazar

Manila, Philippines – Sinibak na sa pwesto ni NCRPO Director Guillermo Eleazar si Gandara Police Community Precinct Commander C/Insp. Alden Panganiban ng Manila Police District Station 11.

Ito ay matapos itong ireklamo ng pananakit ng tatlong tauhan ng NCRPO sa kasagsagan ng traslacion ng itim na nazareno sa Maynila.

Sa reklamo ng mga bagitong pulis mula sa regional personnel holding and accounting unit at regional support unit ng NCRPO, pinagpapalo umano sila ng kahoy ni panganiban dahil hindi nila nakontrol ang gulo ng mga tao.


Nagalit din umano ang opisyal matapos hindi masunod ang ilang utos nito.

Sinabi naman ni Eleazar na sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Sakali namang mapatunayan na lumabag o nagmatigas ang mga bagitong pulis kaya sila nasaktan ay masususpinde rin sila at mahaharap sa disobedience at insubordination.

Facebook Comments