Travel Goals Ngayong 2019

82

Dahil tapos na ang 2018 at panibagong taon na naman ang ating dapat tahakin, karamihan sa ating mga Pinoy ay naghahanap na naman ng mga panibagong adventure pwedeng gawin!

Narito ang 5 travel goals na dapat ninyong subukan upang ang bagong taon ninyo ay maging makabuluhan!


 

  1. TRY ONE FOOD THAT YOU’VE NEVER TRIED BEFORE

-Tama ka kaibigan! Palaisipan man pero totoo naman na kapag tayo ay nagtatravel di natin maiiwasan ang makakita ng mga panibagong tanawin,panibagong kultura at syempre di natin pwedeng tanggihan o itabi sa isip natin ang tumikhim ng ibang klase ng pagkain,tulad na lamang ng mga exotic food! lalo na ito ang pinakauna sa travel goals this 2019 bakit hindi mo subukan kaibigan!

  1. GO SOMEWHERE WITHOUT WIFI

-Pangalawa ito sa travel goals ngayong 2019 dahil karamihan talaga sa’tin mga pinoy kapag tayo ay pumupunta sa ibang lugar di natin maiiwasan na ibahagi ito agad sa ating mga social media accounts,bakit hindi natin subukan na pumunta sa lugar kung saan mararamdaman mo ang kapayapaan at baka mahanap mo rin ang iyong sarili.

  1. TRAVEL WITH YOUR FAMILY

-Masaya talaga mag-travel kasama ang mga kaibigan,ang ating mga boyfriend o Girlfriend pero bakit hindi natin subukan na ang isama naman natin sa ating next travel ay ang ating mga Magulang O Kapatid,ng sa ganun mas magkaroon pa tayo ng closeness sa kanila at magkaroon pa tayo ng mas masayang memories habang kasama pa natin sila.

  1. TAKE A VOLUNTEER VACATION

-Sabi nga nila mas masaya kung nakakatulong ka  sa iyong kapwa,kaya naman bakit hindi mo subukan na sa iyong susunod na pagtravel,ikaw ay magvolunteer,maraming bagay na maari na ikaw ay maging isang volunteer,sa isang charity,sa  childshouse,sa orphanage o sa home for the aged man,hindi ka lang basta nakapagtravel nakatulong ka pa sa iyong kapwa!

  1. EXPLORE YOUR HOMELAND

-Di hamak na mas dapat pa rin nating mahalin ang sariling atin kaya naman bakit hindi muna natin subukan na mas palawakin pa ng ating kaalaman sa mga lugar pagdating sa sarili nating bayan. Magexplore lang at alamin ang natatagong yaman o ganda ng ating bansa.

    

    Ilan lang yan sa mga travel goals ngayong bagong taon pero sabi nga nila tayo ang gumagawa ng sarili nating desisyon o sarili nating kasiyahan kaya naman wag mag-atubiling subukan ang mga nasa taas nang sa gayon ay maging maligaya ang ating mga sarili.


Article written by Glen Adora

Facebook Comments

From Advertisers