Matatanggal sa serbisyo ang naarestong pulis na sangkot sa iligal na pagbebenta ng sasakyan at armas.
Tiniyak ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na inutos niya na sa Internal Affairs Service (IAS) na mag-imbestiga at simulan agad ang summary dismissal proceedings laban kay Police Staff Sergeant Michael Salinas na nakatalaga sa Manila Police District.
Batay sa ulat, si Salinas ay isa sa 8 katao na naaresto noong September 3 dahil sa pagbebenta ng iligal na sasakyan at armas sa Parañaque City.
Samantala, batay sa datos ng PNP mula July 2016, mahigit 5,000 pulis na ang sinibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang administratibong kaso kasama na ang mga kaso na may kinalaman sa iligal na droga.