Pulis na nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine, mahigit 4,000 pa lang

Umaabot pa lamang sa 4,372 o 1.99% ng 215,297 na pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine.

Ito ang inihayag ni PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Aniya, ang datos na ito ay hanggang kahapon, April 4, 2021.


Samantala, batay naman sa survey na ginagawa ng PNP sa kanilang mga tauhan, hanggang kahapon umaabot na sa 124,032 ang pumayag na magpabakuna.

Habang 55,173 ay pumayag magpabakuna pero may specific na brand ng vaccine at 40,417 PNP personnel naman ang ayaw pa ring magpabakuna.

47 naman na PNP personnel ang hindi kasama sa isinagawang survey.

Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP na hihikayatin nila ang lahat ng kanilang mga tauhan na magpabakuna pero walang mangyayaring pilitan.

Facebook Comments