Pulis na nag-viral sa social media dahil sa paggamit ng cellphone habang naka-motorsiklo, hindi kokunsintihin ng LTFRB

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB sa Philippine National Police, upang matukoy ang pagkakilalan ng isang police na habang nagmamaneho ng motorsiklo ay naka-cellphone bukod pa sa walang sout na helmet na nag-viral sa social media.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada, pinadala na nito kay PNP Chief Director Ronald Dela Rosa ang larawan ng pulis na ipinadala naman ng isang netizen sa viber group ng LTFRB.

Paliwanag ni Lizada, sa oras na makuha ang pangalan ng pulis, na malinaw na lumabag sa Anti-Distracted Driving Act o ADDA ay ipapasa sa Land Transportation Office upang pagmultahin at pwede sampahan nila ng kaso sa Ombudsman.


Dagdag ni Lizada posible umanong isasampang nilang kaso, laban sa pulis ay Administrabo, Misconduct, Conduct of Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Matatandaan na nag-viral sa social media, ang kuhang video at larawan ng naturang pulis na walang suot na helmet at gumagamit pa ng cellphone.

Base naman sa pahayag ng netizen na nag-post sa social media, nakunan nito ang pulis sa bahagi ng Intramuros, Manila patungo sa direksyon ng Delpan, Maynila kamailan.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments