Pulis na nagwala at nanakot sa loob ng ospital sa Valenzuela City, pinaiimbestigahan na

Siniguro ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na hindi nila kukunsintihin ang mga pulis na bastos at abusado.

Ginawa nito ang pahayag matapos ang kontribersyal na kinasangkutan ng isang pulis sa Valenzuela na nagwala at nanakot sa loob ng ospital.

Sa report na nakarating kay Eleazar, pasado alas-10:00 ng umaga kahapon isinugod ni Patrolman Angelo Mendoza Abalos ang kanyang asawa na si Maria Concepcion Abalos sa Valenzuela Emergency Hospital dahil inatake ito ng high blood pressure.


Sa triage area pa lang, nagmamadali na ang pulis na tila VIP na nais agad asikasuhin ang kanyang asawa.

Nagmura ito at sinabihan ang nurse doon na “kung hawak ko lang baril ko binaril ko na kayo!”

Sa takot, nagsumbong ang mga kawani ng ospital sa barangay at himpilan ng pulisya.

Agad naman nilapatan ng lunas ang asawa ng pulis.

Sa ngayon, pinagpapaliwanag na ang bagitong pulis habang hinihikayat ng PNP ang biktima na magsampa ng pormal na reklamo laban sa pulis.

Facebook Comments