PULIS NA NAKADEPLOY SA MGA CHECKPOINTS SA PANGASINAN, BINAWASAN UPANG ILAGAY SA TOURIST DESTINATION NGAYONG HOLIDAY SEASON

LINGAYEN, PANGASINAN – Binawasan ang mga pulis na nakadeploy sa mga checkpoints sa Pangasinan bilang karagdagang personnel sa mga tourist destination sa pagdami ng mga indibidwal na lumalabas upang mamasyal sa ilalim ng Alert Level 2 classification.

Sa isang session ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni PCOL. Richmond L. Tadina, nakitaan ng pagdami ng mga turista sa probinsiya, dahilan upang mas paigtingin ang presensya ng pulisya sa mga pasyalan gaya na lamang sa lungsod ng Dagupan kung saan dinarayo ang mga “pailaw” ng lungsod.

Aniya, ang mga pulis na nakadeploy sa mga pasyalan ay tutulong sa pagpaapaalala sa pagsunod sa public health standards laban sa COVID-19.


Samantala, itinalaga din ni Tadina ang mga motorcycle patrollers sa mga pasyalan bilang seguridad ng publiko nang mapigilan ang anumang kriminalidad.###

Facebook Comments